Tuesday, September 02, 2008

Mama

This day, last year I received the worst and most devastating news in my life, Mama Iyang, my maternal grandmother and the only grandparent I grew up with, died.
I could still recall how shock I was and how I cried hard when nanay told me on the phone that mama died. It was days before my birthday.
Inatake sa puso si Mama at nahulog sya mula sa hagdanan. Wala kasi syang kasama sa bahay nya eh. She lived alone for three decades although she was surrounded by her relatives. Sa totoo lang gusto naman talaga ni Nanay na samin na lang tumira si Mama kaso si Mama ang ayaw, naalala ko nung bata ako nag bakasyon si Mama samin tapos sinabi ni Nanay na sa amin na lang tumira pero nagalit sya at nag talo sila ni Nanay.
Hindi ako nakapunta sa burol, sa libing. Hindi pumayag sila nanay eh, maapektuhan kasi ang school. Taga Bohol kasi sila.
Pero gabi gabi ako umiiyak nung linggo na iyun. Nang hihinayanag kasi ako.
Ang masakit pa nun eh ang tagal kong hindi nakita si Mama, 2000 pa nung huli kasi kaming nagkita ni Mama nung nagbakasyon kaming kumpletong pamilya sa Bohol.Huli ko naman sya nakausap noong 2006, nagbakasyo kasi sila nanay dun at tumawag sila sa akin at pinakausap nga sakin si Mama. Hindi marunong mag tagalog si Mama, hindi ako marunong mag bisaya, nakakaintindi sya ng tagalog, nakakaintindi ako kunti sa bisaya pero alam nyo yun nung nagkausap kami nagkaintindihan kami.
Ang plano dapat after my graduation magbabakasyon kami nila Nanay at Tatay sa Bohol. Kaso hindi na inabot ni Mama yun.
Hindi ko alam kung kaya ko pang umuwi sa Bohol, wala na kasi si Mama na nagaabang sa bahay nya para salubungin kami. Wala na yung magluluto ng masarap na adobo.
At sigurado ako sa bawat sulok ng bahay maalala ko si Mama, ang TV nya na mukha pa ding bago kasi bihira nyang gamitin, ang napakintab nyang sahig, ang mga lumang kalendaryo na nakapaskil pa din sa bahay, ang sala set na naka plastic, lahat mag papalala sakin kay Mama.
Ang nakatira ngayon sa bahay ni Mama eh yung kapatid nya. Sigurado naman kaming naalagaan ang bahay na yun. Ang bahay na sobrang inalagaan ni Mama, taon taon pinaparenovae nya yun mula sa ipon nya sa mga padala nila nanay. Alam nyo ba no read, no write si Mama pero napaka maabilidad nya sa buhay. Bilib talaga ako kay Mama.
Inuwi ni Nanay dito sa amin yung paboritiong bag ni Mama at tuwing nakikita ko yun lagi ko talaga naalala si Mama.
May picture si Mama sa may altar namin dito sa bahay at minsan kinakausap ko sya dun. Creepy mang sabihin pero winish ko dati na makita ko si mama sa panaginip ko kasi gusto ko syang makita at makapag paalam. Pero hindi nangyari yun.
Pero one time, sinabi sa akin ni nanay napaginipan daw nya si Mama na magkayakap sila. Masaya ako nung narinig ko yun. At peace na rin si Mama.
Kahit isang taon ng wala si Mama, sobrang na mi miss ko pa din sya. Pero alam ko lagi nya kaming ginagabayan. Napatunayan ko yun kasi may naging problema nanay ko recently lang tapos yung solution literally went to her. Sabi ni nanay sakin si Mama nag dala nun and I strongly believe that.
Masasabi ko namang tanggap na namin na wala na si Mama at nasa langit na sya kasama si Papa Ico.
Pero syempre hindi maiiwasan na malungkot pa din ako. Nung grumadweyt ako sa college naalala ko sya. Tuwang tuwa kasi si Mama kapanakaka graduate sa college yung mga apo nya, naghahanda pa nga daw yun sa Bohol kahit wala naman kami.
Nung nanganak ate ko a few weeks ago, naisip ko si Mama. Sana nakita nya yung kauna unahan nyang apo sa tuhod. Mahal na mahal pa naman nya ate ko kasi una nyang apo at kaisa isang apong babae.

Mama Iyang, isang taon na ang nakakaraan nung iniwan mo kami pero hinding hindi ka namin makakalimutan. Mahal na mahal ka namin.

No comments: